Tama na.

Ayoko sanang mawala ka, gusto kong sabihin
Na sana dito ka lang, sa tabi ko, kahit di ka naman akin
Pagkatapos, hawakan mo lang ako
Nito lang ako nakaramdam ng ganto at kasabay ng pag—
Bitaw ko ng mga katagang ito, umaasa ako
Na sana manatili ka, kahit alam kong
Nakakakapagod ako
Mahalin at bigyan ng panahon, ako
Yung taong hindi basta-basta sumusuko sa
Taong gusto ko
Hindi ko rin kayang mawala ka
Marunong naman ako maghintay at
Magpahalaga ng mga tingi-tingi mong oras
Nakakaubos ng enerhiya pero wala akong magawa, mahal kita
Ng sobra kaya andito ako sa harap mo at nagmamakaawa
Pasensya ka na
At ikaw ang napili ng isang tao na katulad ko
Pagmamahal lang ang kaya kong ialay
Sa mundong puno ng mga maka—
Sarili na mga tao, andito ako handang ibigay ang lahat sayo.

Advertisements