Paalam, Jerry.

Wala nang sasalubong sakin pag-uwi. Wala nang hahabol kapag aalis ako. Wala nang iiyak kasi lagi naiiwan mag-isa sa gabi. Tatahimik na yung apartment. Makukumpleto ko na yung tulog ko kasi wala nang mangungulit para makipaglaro. Kikinis na balat ko kasi wala nang mangangagat at mangangalmot. Wala nang masisirang gamit.

Pero malulungkot ako kasi ako na naman mag-isa. Wala nang makikinig sa mga reklamo ko sa buhay. Wala na kong ikkwentong bagong kalokohan mo.

Sabi ko hintayin mo ko. Uuwi ako agad, babalik tayo sa vet. Hindi man lang kita nayakap pag-alis ko kasi ayaw mo na tumayo.

Ikaw lang meron ako nung mga panahong nilalamon ako ng depression. Nung mga panahong gusto ko na lang matulog. Ikaw lang dahilan bakit ako bumabangon kasi magugutom ka at mabobore.

Tumakbo ka na nang tumakbo. Ngatngatin mo na lahat ng gusto mo. Hindi na sasakit tyan mo.

Salamat, Jerry.

Advertisements